Friday, December 7, 2007

luha ng isang goth??

nagtitiis..
nagtitimpi..
nagiisip ng kung anung pwedeng maging
tama, at kung anu ang mali..
nagpapaka tao sa sandaling
malungkot ako..
naghihintay ng mirakulo na di ko naman
alam kung yun nga ba'y totoo..
sumisilay,
sumisilay sa dapit hapon upang
isama ang sarili..
sa kamalasang tinatamo ng aking
pagkatao..

sino ba ako?
sino nga ba ako?
magisang naglalakad sa kadiliman,
sa kawalan, sa kaduluhan..
nagbabakasakaling ako'y
matutulungan..

nasan na? nasan na ako?
bakit ang paligid ko ay puro
misteryo?
pati aking pagkatao, ay pilit
nagkukubli..

anu ba?
anu ba ang dapat kong gawin?
lagi na lang ganito..
lagi na lang nagtatanong..

tanong nila, tanong mo,
tanong nilang lahat..
"ano problema mo?
ayos ka lang ba?"
tang ina! kahit ganito ako
alam ko ang ginagawa ko..

No comments: