Monday, December 17, 2007

uso na talaga ang krimen :-s

grabe, andami na talagang nakawan at patayan na nangyayari sa mundo naun. sabi nung iba, "magpapasko kasi" ganun ba? magpapasko kaya magnanakaw sila? tsk tsk. poreng pinoy nga naman, kakapit na sa patalim makaraos lan. nung nakaraang buwan yung kapit bahay namen pinasok ng magnanakaw, wala na nga daw silang pera, ninakawan pa daw sila. kinuha yung mga mahahalagang bagay lalo na yung cellphones. pero di ba sila natutuwa at buhay pa sila? mas nainis pa yata sila nung nabuhay pa sila eh. "tsk tsk." matapus yung insidente sa kapit bahay namin, naging aware kami. kaso wala rin palang magagawa ang pagiging aware namen. after my birthday (medyo madaling araw na yun) maybe that's around 2:30-3:30 nangyari yun, eh 1:30 kami natulog. kami naman ang pinasok ng magnanakaw, dun pa dumaan sa kwarto ko. i wonder why hindi ako nagising eh konting kaluskos lan nagigising na ako. at ayun na nga dun nga sya dumaan sa kwarto ko, hinalungkat ang drawers ko, nakita ang secret pocket, nakuha ang pinagipunan ko, kinuha ang digi-cam, isa kong cp (na pang load, eh 300 pa laman nun), kinuha pati wallet ko. video cam, cp ni mama, pera ni mama, pati yung vault nabuksan! eh andun lahat ng pera namin! pagkagising ni mama, sigaw ng sigaw. ayun nagising na din ako. medyo naiyak ako tas bumitaw ako ng salita "putik! susunugin ko ng buhay pag nahuli yung magnanakaw na yun" then tumawag si papa. sabi nya "iha be thankful for God gave you the most precious gift, ur safe now. atleast di kayo pinatay" hmm. lagi ako nakikinig sa sinasabi ni papa kaya naman "okay, i believe with my dad" tas medyo na-trauma na ako. hndi ko na ginamit yung kwarto ko, hindi na rin ako nagwawallet. hindi na rin ako nagtetext sa jeep at kapag naglalakad. lagi kong hawak hawak yung bag ko. ayoko ng masyadong madaming tao, naiilang ako, konting kaluskos lan sa bahay natatakot na ako, actually di nga maayos mga tulog ko. meron namang pulis na nagbabantay samin kaso wala ako tiwala sa mga pagmumukha nila. after that incident, marami na din ako nababalitaan na nanakawan, yung kaklase ko, hinostage pa nga daw yung tito nya. tas si pwendchip, hinold-up daw sya. yung kamag anak naman namen sa may indang, pinasok ng magnanakaw di pa nakuntento sa pagnanakaw, pinatay pati si tito. sa imus din may ninakawan, masaker naman ang ginawa. tsk, maybe i should be thankful for i am still breathing. (should i?)

No comments: