Friday, October 26, 2007

ang huling paalam ni nene kay yatot..

this may be a form of tribute for my friend who just
passed away last October 24, 2007 (Wednesday). I never thought
or even imagine that this may happen..

Oct.23,2007(tuesday) ni hindi ko man lang nasilayan ang
pagsikat at paglubog ng araw.. kahit nung wednesday ng umaga..
panay ang ulan.. at parang nakakalungkot ang atmosphere..
WEDNESDAY, natulog lang ako saglit, pag kagising ko masamang
balita agad ang bumungad sakin..ngayong sumakabilang buhay
ka na, nakakapag takang maliwanag ang buwan "sayong pag lisan"

...para kay yatot na tawag saken ay nene

ikaw na nagbigay samin ng saya, binigyan kame ng dahilan para
tumawa, sa mga jokes mo na kahit papano ay bumebenta,
sa mga korni mong mga patutsada. sa mga barbero mong kwento
sa mga kagukuhan mo, sa mga katarantaduhang ginawa mo, dinamay
mo pati ako. Sa mga kalokohang tinuro mo sakin, mga bagay na
hindi ko alam, pinaliwanag mo pa rin. sa mga english mong sablay,
mga halakhak mong tunay. ikaw na nagturo sakin sa math, binatukan
mo pa ko sabay sabi "tanga! hindi ganyan!". Sa mga pag hingi mo
ng tulong sakin nung thesis mo. sa mga delikadong gabi na sinamahan
mo ko, at sa mga payo mong napaka-seryoso. tinuruan mo din akong
wag maing tamad kahit walang talino, pati nung mga panahong
tinuturuan akong magyosi ng mga tropa natin ayaw mong matuto
tayo. nung minsang mag outing, tayo'y nag swimming, nalunod
ako ikaw pa nagsagip sa buhay ko. sa mga suportang binigay mo sakin,
lalo na nung "Ritmo" elimination night, may dengue ako nun
pero di mo ko pinabayaan hanggang pag uwi natin. sa mga alak na
pinag saluhan natin. at sa suka kong ikaw ang sumambot.
sa dalawang dosenang rosas na binigay mo saken nung aking kaarawan
haaay di ko na mabilang. kung minsan tatahi-tahimik at
tatang-tanga ka. sa pag impluwensya mo sakin, natuto akong
maging matalino.

PARA SAYO YATOT!, MARAMING SALAMAT
MARAMI AKONG NATUTUNAN SAYO!

nakakatawa, paborito mo pa ang "buloy" tang ina mo!
sabi mo sakin hindi mo gagayahin si buloy!!!
sabi mo pa naman sakin, hindi mo ko papaiyakin!
tangna ka!!



yatot's peyborit song



hoy yatot
nasaan ka man siguradong kawawa ka
malamang walang alak diyan
hoy yatot
nasaan ka man siguradong hindi ka namin malilimutan
hoy hoy yatot
para bang nalimot mo na ang iyong mga sinabi
nung ikaw ay buhay pa

"paalam kaibigan"

MARK ALVIN BAUTISTA
December 25, 1987 - October 24, 2007

No comments: