Tuesday, October 23, 2007

liham para sayo kaibigan

kamusta kaibigan?

Pasensya na nagyon lang ako nagparamdam. Alam mo na busy, busy kakatulog.

Kamusta ka naman nagyon? Ako? Eto kaliwa't kanan
ang problema. Hindi na nabawasan ang problema ko.
Natatandaan mo nung highschool?. Oo, nakakatuwang
isipin pero pati yun dala ko hanggang nagyon. Sa dami
kong problema naging psychologically, emotionally and
mentally disturbed na ako. Di pa natatapos dyan, stress
overdue pa ko, oh san ka pa? Sa tingin mo ba mababaliw
na ako? Hindi ko kasi alam eh. Natatandaan ko pa yung
mga sinabi mo sakin last year --medyo matagal na yun pero
tanda ko pa rin-- sabi mu sakin "Lam mo tsong pinagtataka
ko lang, ang galing galing mo mag bigay ng payo, kahit
nga ako napapahanga mo, pero bakit sarili mong buhay di mo
maayos?" natatandaan mo ba yun? oo, tama, nag-away pa
nga tayo nyan. Pero tama ka nga naman, andami kong
tinutulungan at natutulungan pero sarili ko di ko kayang
tulungan. natatandaan mo rin ba nung panahong pakiramdam
ko wala akong kakampi? yung as in pakiramdam ko me
against the world?. ikaw una kong tinakbuhan diba? kaso di
mo naman ako pinakinggan. Nagtampo nga ako sayo nun eh. Pero
wag kang mag-alala nakalimutan ko na yun. Haaay, alam mo ba
kahapon maghapon ako umiyak? ay hindi pala maghapon, mga limang
oras lang pala yun o mahigit pa. Di ko nga alam kung bakit
ako biglang umiyak eh, dala siguro ng madaming problema noh?
Basta kasi bigla na lang ako naiyak. Oo nga pala may ibabalita
ako sayo, matutuwa ka kasi nagmamahal nanaman ako, ang galing
noh? Masasaktan nanaman kaya ulit ako? Pagod na kasi ako masaktan
eh. Pero alam mo, masaya ako sa taong toh sobra, mahal ko
kasi sya eh. Sana mahal din nya ako noh?

Sya nga pala, natatandaan mo ba si Krishna? oo, sya nga.
Nagpakamatay sya. dalawang linggo na yata ang nakakaraan.
Balita ko mabigat din yung dinadala nya, madami din kasi
syang problema, kaliwa't kanan daw ang bigat ng problema
nya. Nung huli ko syang nakausap umiiyak sya eh. Di daw nya
ma-explain yung nararamdaman nya, basta ang bigat bigat daw
ng loob nya. Meron nga pala syang naiwang kasintahan. Medyo
pinaghihiwalay pala sila ng parents ni Krishna. Alam mo ba
nagulat na lang ako nung bago sya magpakamaty, ka-chat ko
pa sya. Tapos kinabukasan napansin ko parang nawala yung account
nya sa Friendster. Ang una ko ngang inisip nun baka dinelete
nya ko kasi lagi ako nag-flood sa bulletin board. Tapos yung
blog nya, hinanap ko, "url unavailable na". Peyborit ko
pa man din yung blog na yun. Dami nya kasing alam. Nagtetext
din ako sa kanya nun nagtataka naman ako di sya nagrereply.
Gagala sana kami. Nagulat na lang ako nagtext na yung mga
balahura kong tropa, nawindang ako sa message nila..
"nagpakamatay na si Krishna, pumunta ka na dito, ikaw na
lang hinihintay namin, nasan ka na ba? kanina ka pa namin
tinetext, di ka naman nagrereply" medyo nagulat ako sa
nareceive kong text sa isip-isip ko "totoo ba toh? joke lang
ba toh? tangna, nakakagago ah?" Nung na-meet ko na yung tropa
nagiiyakan sila, pero ako di man lang maiyak (bakit kaya?)
kinuwento nila saken. "Bago mag-suicide si Krishna, binura na
nya yung account nya sa friendster, pati yung blog nya binura na
din nya, yung dalawa nyang sim card pinutol pala nya. Nag-iwan pa
sya ng suicide note na nabasa ko pa "SALAMAT KAIBIGAN" tapos
nung nakita yung katawan nya na nakasabit sa kanyang kwarto,
pinapatugtog pa nya yung peyborit nyang song sa Laptop.
Paulit-ulit na tumutugtog ...
"In my hands
A legacy of memories
I can hear you say my name
I can almost see your smile
Feel the warmth of your embrace
But there is nothing but silence now
Around the one I loved
Is this our farewell?"
-Our Farewell, Within Temptation

Ay oo nga pala, alam mo bang sumulat sya sayo bago sya
magpakamatay? Oo, sumulat pa sya nabasa ko pa nga yung
sulat nya sayo eh. Nagsasabi sya ng sama ng loob dun sa sulat
nya. oh pano dito na lang? Sana matanggap mo agad tong sulat..

SALAMAT KAIBIGAN!

No comments: